Posibleng parusahan ng Department of Education (DepEd) ang isang guro matapos mag-viral ang TikTok video nito na nagpapakita ng posibilidad na pang-aabuso sa mga bata.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Biyernes, Nobyembre 5, sinabi ng DepEd na bilang isang institusyong pinagkakatiwalaan na protektahan ang mga karapatan ng bawat Pilipinong mag-aaral, "hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga bata."

Inatasan ni Education Secretary Leonor Briones ang Regional Director ng DepEd Central Luzon na agarang imbestigahan ang isang TikTok video na kumakalat online.

Para sa DepEd, nagpapakita umano ng potensyal na child abuse action ang video ng teacher at dapat umano itong patawan ng parusa pagkatapos ng imbestigasyon.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Samantala, sinabi ng DepEd na pinaalalahanan nila ang kanilang mg guro at non-teaching personnel: “always subject our words and actions, including our social media activities, to the highest degree of ethical and professional standards.”

“We must always champion a safe and nurturing learning environment for children, where physical, verbal, sexual and other forms of abuse and discrimination are renounced.” anang DepEd sa mga guro.

Sa isang hiwalay na pahayag ng Schools Division Office (SDO) ng Pampanga nitong Nobyembre 4, kinumpirma nila na nakatatanggap sila ng mga ulat tungkol sa viral TikTok video ng guro.

“We assure the public that our office exhausts all possible remedies to address this matter,” anang SDO Pampanga. 

“We have already coordinated with the proper parties/authorities to take down the said video,” dagdag pa nito.

Merlina Hernando-Malipot