Nakapagtala ng karagdagang 2,376 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang Department of Health (DOH).

Base sa case bulletin nitong Biyernes, umabot sa 37,377 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa mga naturang kaso, 69 na porsyento ang mild symptoms, 13.94 na porsyento ang moderate condition, 8.2 na porsyento ang severe symptoms, 5.4 na porsyento ang asymptomatic, at 3.5 na porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, umabot na sa 44,805 ang death toll matapos nakapagtala ng 260 na namatay dahil sa sakit.

Metro

Buntis, nanganak sa tabi ng kalye!

Nakapagtala naman ng 2,109 na pasyenteng nakarekober sanhi upang umabot sa 2,716,524 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Gayunman, umabot na sa 2,797,986 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19  sa bansa.

“Thirty-two duplicates were removed from the total case count. Of these, 24 are recoveries. Moreover, 219 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” anang DOH

“All labs were operational on Nov. 3, 2021 while four labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS),” dagdag pa nito.

Analou de Vera