SAN PABLO CITY, Laguna – Umarangkada na ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ng provincial government sa mga residenteng edad 12 hanggang 17 taong-gulang.

Gov. Ramil Hernandez via Facebook

Ayon sa Laguna Public Information Office, nasa 341 menor de edad na may comorbidities ang nakatanggap ng bakuna sa San Pablo City Convention Center simula noong Oktubre 29.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kasabay ng kanilang pediatric inoculation, naglunsad na rin ng vaccination caravan sa probinsya ng Laguna upang mapabilis ang pag-abot ng herd community sa lugar.

Target ng caravan ang mga barangay na may mababang vaccination rate sa loob ng mga lungsod at munisipalidad.

Carla Bauto Dena