LUCENA CITY, Quezon - Inilunsad ngayong araw Nobyembre 5, 2021 ang electronic vaccination certificate--VaxCertPH booth sa SM City Lucena ng Department of Communication Information and Technology (DICT) at Department of Health (DOH) para sa domestic at international travellers ng lungsod.
Ang digital vaccination certificate ay makukuha ng mga residente na nakakumpleto na ng COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng electronic gadgets, computers, cellular phones, laptops, at maging sa inilagay na booth ay maaaring magkapagdownload.
Dinaluhan ito nina DICT provincial officer Gerald Calamaan, City Mayor Roderick Alcala, SM Senior AVP for Operations John Jason Terrenal, SM City Lucena Mall Manager Maricel Alquiros.
Ang mithiin ng nasabing VaxCertPH booth ay upang maging mas madali ang pagkuha ng kopya ng nasabing sertipiko at ito ang ipinapakita sa mga lugar na patutunguhan ng isang manglalakbay sa loob at labas ng bansa.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Calamaan sa pagkakaloob ng isang lugar sa mall upang maging pwesto ng VaxCertPh na malaking kaginhawahan sa mga aplikante.
Danny Estacio