Isang animal welfare advocate at college instructor ang nagbahagi ng nakakaantig na istorya ni Hope, isang aspin na kalunos-lunos ang sinapit sa dating amo na muling binusog ng pagmamahal ng bago nitong pamilya.
Sa larawang ipinadala ni Dianne De Vera Bituin, makikita ang kalunos-lunos sinapit ni Hope sa dati niyang amo. Maliban sa nakakadena ito, mababakas ang halos buto’t balat nang pangangatawan ng aspin.
Pagbabalik-tanaw ni Dianne, Agosto 2017 noong una niyang madatnan ang nakakaawang sitwasyon ng aspin sa San Juan Hagonoy, Bulacan.
Dahil likas na may puso sa mga hayop si Dianne, hindi nagdalawang-isip na idinulog ni Dianne ang kaso ni Hope sa mga animal welfare group. Hinanap ni Dianne ang amo ng aspin upang payuhan itong bigyan ng sapat na kalinga ang alaga.
“Ang sabi nung owner, maayos naman daw dun [yung] aso pero ramdam ko po na wala naman sila malasakit dahil sa kwento nung asawang babae at lola, hinihika daw [ang] mga bata sa kanila. Nangako naman sila na iaayos ang lagay ng dog at binigyan ko sila ng dogfood at vitamins,” paglalahad ni Dianne.
Halos tatlong buwan matapos ang unang makita ni Hope ang kalagayan ng aspin, hindi niya inasahang muli niyang makikita sa parehong sitwasyon ang aso.
“May i-re-rescue rin sana ako isang dog at hinahanap ko [ang] owner. Unexpectedly, pagpasok ko sa isa sa mga bakuran malapit dun, may nakita ako bakanteng lote at bago ako umalis, dun ko lang napansin na siya [Hope] pala yon. I feel terrible dahil sa pag-aakalang maayos lagay nya, nakapalibot sa kanya mga basura,” pagke-kwento ni Dianne.
Noon ay desido nang kupkupin ni Dianne ang aspin.
“Kinausap ko yung may-ari at pinaalalahan ko na sana wag na lang sila mag-a-alaga kung ganun ang gagawin nila sa hayop. Dahil aware sila na against Animal Welfare Act ginagawa nila, binigay nila yung dog sa’kin. Pinakain ko muna bago ko kunin dahil puro panis po nasa kainan nya,” ani Dianne.
Ilang mga larawan sa kalunos-lunos na naging sitwasyon ng aspin ang ibinahagi ni Hope. Dahil sa inabot na trauma sa dating amo, dalawang linggo ang hinitay ni Dianne bago nahawakan niya mahawakan ang aspin.
“Two weeks bago ko po sya nahawakan dahil sa sobrang trauma na inabot nya, ilapit ko pa lang kamay ko sasagpangin na 'ko. Sobrang traumatized siya kay ni hindi ko muna sya mapaliguan para mapavet o maipasok sa bahay,” pagbabahagi ni Dianne.
Matapos maka-recover sa naging karanasan niya, kalauna’y nakuha rin ni Dianne ang tiwala ng aspin.
“After two weeks at na-gain ko trust nya.. dun na po nagsimula yung relationship ko sa kanya as her furmom. Super bait, talino, lambing at pilya po ni Hope,” ani Dianne.
Sa mga larawang ibinagi ng kanyang furmom, malayong-malayo na ang naging transformation ni Hope mula sa maayos na pangangatawan hanggang sa saying maaaninag sa dating takot na mga mata nito nang madatnan ni Dianne sa isang bakanteng lote.
Kung tutuusin, bayani na kung maituturing si Dianne dahil sa kanyang propesyon bilang college instructor sa Bulacan State University. Ngunit tila naging likas na sa kanilang pamilya ang magsalba ng mga hayop. Sa katunayan, nasa anim na aso ang inaalagaan ni Dianne habang sampung pusa naman ang nasa pangangalaga ng kanyang magulang.
Pagbabahagi ni Dianne, kamakailan lang ay may tatlong tuta siyang na-rescue, dalawa rito ay hinahanapan pa niya ng magiging forever home habang balak naman niyang kupkupin ang isa pa.
“I firmly believe po kase that loving God means loving all of His creations including animals and I have observed that in our country, breed discrimination is so rampant. It really breaks my heart seeing that some people choose to love imported bred dogs/cats more than our own breed. It breaks my heart witnessing that some of us still prefer to buy and breed while there are thousands of dogs/cats on the streets and pounds who desperately long for love and family,” ani Dianne na kadalasang preference ng mga furparents.
“I want other people to see in my own little way and to the best of my ability that aspins/puspins can also love us as much imported bred dogs/cats can love us; that they can own a pet for a much GREATER cause; that it is so rewarding to give someone a second chance at a happy life,” dagdag niya.
Taong 2015 nang unang mag-alaga si Dianne ng aso nang magdesisyon siyang kupkupin ang isang tuta na naligaw sa kanilang bahay.