Tinatayang nasa P1.9 milyong halaga ng sigarilyo mula Indonesia na hinihinalang ilegal na ipinuslit sa Glan, Sarangani ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ayon sa ulat ng ahensya nitong Biyernes, Nob. 5.

Larawan mula BOC

Ayon sa Port of Davao ng BOC, ang mga smuggled na sigarilyo ay lulan ng isang motorboat sa katubigan ng Glan sa Sarangani Bay noong Oktubre 24 nang masamsam ng Customs.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Timbog sina Sandy Sawotong at Edison Paredo, parehong residente ng General Santos City sa South Cotabato, para sa ilegal na pagpasok ng 40 kahong “Gudang Baru,” isang klase ng sigarilyong gawa sa bansang Indonesia.

Naging posible ang operasyon sa pinalakas na land at maritime surveillance sa lugar, sabi ng BOC.

Samantala, inisyu ang warrant of seizure para sa mga nasamsam na ilegal na items at warrant of detention laban sa mga suspek sa paglabag sa Section 1113 (property subject to seizure and forfeiture) ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Joseph Pedrajas