Opisyal nang inendorso ng Serbisyo sa Bayan Party (SBP) nitong Huwebes, Nobyembre 4, ang vice presidential candidacy ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nagkaroon ng meeting ang SBP members nitong Miyerkules ng gabi at napagkasunduang iendorso si Sotto bilang kanilang vice presidential bet sa 2022 national elections.

“It was a unanimous decision to support Senate President Sotto’s vice presidential bid. Natutuwa tayo na sinuportahan ng ating partido ang ama ng ating vice mayor," ani Belmonte.

Si Sotto ang ama ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto na tatakbong muli sa ilalim ng SBP.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Gayunpaman, ang SBP ay nasa proseso pa rin ng pagpili ng kanilang kandidato sa pagkapangulo.

Allysa Nievera