Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Quezon City at Pasay City simula sa Nobyembre 5.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ng Biyernes sisimulan ang pagkukumpuni sa EDSA bago mag-Annapolis hanggang Boni Serrano flyover, northbound second lane magmula sa center island sa Quezon City at EDSA-Tramo flyover sa Pasay City.  

Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Nobyembre 8 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong mga ruta upang hindi maabala sa trapik.

Sa gitna ng planong ipatanggal ang Grok: XAI, nakipag-ugnayan na sa DICT atbp

Bella Gamotea