Arestado ang suspek na si Joel Mangal, 38, matapos mamataan ang aktuwal na paghahagis niya ng isang molotov cocktail.

Sa isang surveillance footage na inilabas ng New York City Fire Department (FDNY), kita ang pag-atake ni Mangal sa NR Rock Deli.

Ayon sa FDNY, pagtatalo sa isang staff ang rason ng pagbomba ni Mangal.

Sa isa pang footage, namataan ang pangalawang beses na pag-atake 'di umano ni Mangal ngunit napigilan ito ng isang saksi.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Isang deli worker naman ang nasugatan sa pangyayari, ngunit agaran din namang nabigyan ng lunas. Samantala, agad ring na-kontrol ang apoy kaya naman hindi na ito lumaki.

Nahaharap sa kasong arson, assault, reckless endangerment, criminal possession of a weapon and criminal mischief si Mangal.