Naniniwala si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ibababa na ang alert level status ng Metro Manila sa November 15.

Sa isang panayam sa radyo nitong Huwebes, sinabi ni Abalos na "malapit na" ang pagbaba ng alert level sa rehiyon. 

Sa katunayan, sinabi niya na ang rehiyon ay dapat na nasa ilalim ng Alert Level 2 na sa halip ay Alert Level 3, noong Nobyembre 1 kung ang daily attack rate ng Metro Manila ay mas mababa ng 0.4 na porsyento.

"“Yung pong tinatawag na metrics na sinasabi nila…lahat pasado eh [para mababa ang Alert Level]," 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“(Pero) tinamaan tayo… ‘yung daily attack rate," ani Abalos.

Sinabi ni Abalos, na ang latest ADAR ng Metro Manila ay nasa 7.4, na higit kaunti na lamang sa tinatanggap na 7 na porsyentong ADAR na idineklara sa ilalim ng Alert Level 2.

"Ang problema, ang (The problem was the) cut off rate was 7… So ako naniniwala talaga papunta na tayo roon. At di lamang yun, yung bakuna natin, we're now  87 percent," dagdag pa niya