QUEZON- Iniulat Department of Education (DepEd) ang ginagawang paghahanda ng Tamulaya Elementary School sa Polillo Island, para sa pagsisimula ng pilot limited face-to-face classes sa Nobyembre 15, 2021.

Batay sa School Division Office ng Quezon ang paghahanda ng nasabing paaralan ay para matiyak na makasusunod sa alituntunin na ibinaba ng DepEd.

Ayon kay head teacher Lilibeth Torres, pinag-aralan nila ang mga nakalatag na guidelines at mas pinaigting ang koordinasyon sa Polillo Local Government Unit at mga magulang upang masiguro ang kaligtasan sa lahat oras na magsimula nang pumasok ang mga mag-aaral sa Nobyembre 15.

Nabatid din na bago simulan ang face-to-face classes ay inaasahang magsasagawa ng ocular inspection si DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan kasama si Director Roger Masapol ng DepEd Planning Service at mga kinatawan ng DepEd Calabarzon sa nasabing eskwelahan ngayon araw na ito, Nobyembre 4, 2021.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Gayundin kasabay ng pagtiyak na ang lahat ng guro ng nasabing paaralan ay mga bakunado na.

Danny Estacio