Na-cite in contempt ng Senado si dating Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) chief Lloyd Christopher Lao dahil iniiwasan nito ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng pagbili ng gobyerno ng umano'y overprice na COVID-19 medical supplies.

Nauna nang iminungkahi ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na i-cite for contempt si Lao na sinigundahan naman ni Senator Risa Hontiveros.

Kaagad namang ginamit ni SenatorRichard Gordon, chairman ng Senate Blue ribbon Committee, ang mosyon at sinabing si Lao ay hindi na saklaw ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng Gabinete na dumalo sa mga pagdinig ng Senado, dahil hindi na ito opisyal ng pamahalaan.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

“I don’t think we need to ask for a show-cause order to him why he should be declared in contempt and we are now issuign that order,” pahayag ni Gordon sa ika-14 pagdinig ng Senado sa kuwestiyunableng mga transaksyon ng PS-DBM sa PharmallyPharmaceutical Corporation.

“Wala ka na po sa gobyerno, kailangan humarap ka sa imbestigasyon,” pagdidiin ni Gordon.

Iniimnbestigahan ng Senado ang kuwestiyunableng paglilipat ngDepartment of Health (DOH) ng42 bilyong COVID-19 sa DBM-PS.

Si Lao ang sinasabing nasa likod ng pag-a-award ng₱8.6 bilyong halaga ng kontrata sa Pharmally para sa pagdideliber ng medical supplies laban sa pandemya ng coronavirus disease 2019.

Hannah Torregoza