Bumaba na sa 97 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa San Juan City.
Paliwanag ni San Juan City Mayor Francis Zamora, ito ay 91% na pagbaba kumpara sa 1,123 aktibong kaso na naitala nila noong Setyembre 16.
“Here in San Juan, we are down to just 97 active cases. So anlaki na rin ho talaga ng binaba ng bilang ng mga kaso po natin.’Yan po ay galing sa 1,123 last September 16 so, 'yan po ay 91% na ang ibinaba sa loob lamang ng halos 50 araw,"ayon sa alkalde.
Ang pagbaba aniya ng mga aktibong kaso ay dulot ng malawakang pagbabakuna sa lungsod at mahigpit na pagsunod ng kanilang mga residente sa minimum health protocols na ipinaiiral ng pamahalaan.
Iniulat pa ni Zamora na sa ngayon ay umaabot na sa 230% ng kanilang target population ang kanilang nabakunahan kontra COVID-19 simula noong Marso.
Mary Ann Santiago