Inaresto ng mga pulis ang dalawang police trainee matapos ireklamo ng umano'y panggagahasa sa isang dalaga sa isang apartelle sa Rodriguez, Rizal, kamakailan.

Kaagad namang iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar na tanggalin na sa police field training program sina AJ Magsino and Jack Marquez.

"They are now detained and are facing both criminal and administrative cases. This is proof that thequick of actionof the PNP is normal in responding tocomplaintagainst any of our personnel,” aniya.

Sa paunang pagsisiyasat, inimbitahan umano ni Magsino ang 23-anyos na babae sa kanilang tinutuluyang apartelle.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Pagkatapos, lumabas na umano sa kuwarto si Magsino at iniwan ang partner nito na natutulog.

Gayunman, pumasok sa kuwartosi Marquez at ginahasa umano nito ang biktima na nagising at nagawang makatakas.

Kaagad nitong isinuplong sa pulisya ang insidente na ikinaaresto ng dalawa.

Tiniyak naman ni Eleazar na poproteksyunan nila ang biktima sa posibleng harassment upang pilitin itong huwag nang magsampa ng kaso.

Nakapiit na ang dalawang suspek sa Rodriguez Police Station nahaharap sila sa kasong panggagahasa.

Aaron Recuenco