Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ang one-gigabyte (1GB) data capacity na daily allocation nila ay sapat na upang makapag-online class ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Sa ilalim ng SIM Card and Connectivity Load Program ng DepEd, ang mga guro ay pinagkakalooban ng SIM cards na may 34GB connectivity load kada buwan.
Bahagi ito ng patuloy na pagkakaloob ng departamento ng connectivity assistance sa mga guro sa mga pampublikong paaralan para sa kanilang blended learning setup para sa School Year 2021-2022.
Anang DepEd, base sa kanilang isinagawang analytics consumption tests, ang 1GB kada araw para sa 30-araw ay sapat para sa access sa e-learning, at whitelisted o zero-rated DepEd applications.
Kaya rin anila nitong suportahan ang walong oras ng video conferencing.
Mary Ann Santiago