Bumaba pa sa mahigit 37,000 na lamang ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 1,766 bagong kaso ng sakit nitong Huwebes, Nobyembre 4.

Sa case bulletin #599 ng DOH, umaabot na sa 2,795,642 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 1.3% na lamang o 37,159 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Kabilang sa active cases ang 68.9% na nakararanas ng mild symptoms, 14.11 % na moderate cases, 8.2% na severe cases, 5.3% na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 3.5% na kritikal.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Mayroon ding 2,591 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,714,658 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.1% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 239 pasyente na namatay nitong Miyerkules dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, aabot na sa 43,825 ang COVID-19 deaths o 1.57% ng total cases.

Mary Ann Santiago