Nanawagan na rin si House Speaker Lord Allan Velasco sa pamahalaan upang ibaba na mula Alert Level 3 hanggang Alert Level 2 ang lockdown status ng National Capital Region (NCR) habang patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni Velasco na suportado niya ang mga panukalang paluwagin ang COVID-19 restrictions sa rehiyon para sa “broader reopening of the economy.”

Ilang alkalde rin ng Metro Manila ang naghapag ng rekomendasyon dahil sa mababang arawang kaso ng COVID-19 sa mga lungsod.

Ang OCTA Research na kasalukuyang iniimbestigahan ng Kongreso ay nagrekomenda rin sa pagluluwag ng mga restriksyon rehiyon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Downgrading Metro Manila’s lockdown restrictions to Alert Level 2 would mean that more businesses will resume operations and operate at increased capacity, thus allowing more Filipinos to regain their jobs and income,”ani Velasco.

“The government’s aggressive vaccination campaign has given us ample protection against a possible surge in COVID-19 cases. Around 80 percent of NCR residents have been fully vaccinated, and 96 percent have received their first dose,”paliwanag niya.

Ayon sa House leader, ang datos na mismo ang nagbibigay ng kumpiyansa sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga negosyo.

“Lowering the alert level in NCR as soon as possible could jumpstart the economy with increased consumer spending encouraging increase in production and economic activity, thereby bringing about employment opportunities for our kababayans. We can see this happening as the holiday season draws near,”sabi ni Velasco.

Hinikayat niya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases “to check the effectivity or efficiency of each brand of COVID-19 vaccines so as to give notice to our kababayans when they need to get a booster or get another round of vaccine.”

Hinimok niya rin ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na tumanggap na ng proteksyon mula sa mga bakunang nabili ng pamahalaan.

“Until then, let us continue to abide by the minimum health standards set by medical and science experts, such as wearing of face mask and maintaining physical distancing, for us to stay safe during the health crisis,”sabi niya.

Ben Rosario