May kabuuang 15 unibersidad sa bansa ang pasok sa pinakamahuhusay na higher education institutions (HEIs) sa Asya sa 2022 university rankings ng global higher education think-tank na Quacquarelli Symonds (QS).

Kumpara sa 14 HEIs noong nakaraang taon, isang unibersidad pa ang naisama sa listahan ngayong taon. Nanatiling pinakamataas sa rank ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) na ika-77, mas mababa sa ika-69 puwesto nito noong 2020.

Sinundan ito ng Ateneo de Manila Univeristy (ADMU), De La Salle University (DLSU) at University of Sto. Tomas (UST) sa 687 na institusyon sa rehiyon.

Habang bumaba ng ilang puwesto ang UP kumpara noong nakaraang taon, umakyat naman ang ADMU, DLSU at USA sa mas mataas na ranggo.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Narito ang kabuuang listahan ng mga unibersidad sa bansa na pasok sa QS rankings:

  • University of the Philippines – 77
  • Ateneo de Manila University – 124
  • De La Salle University – 160
  • University of Santo Tomas – 177
  • Ateneo de Davao University – 01-550
  • Mapúa University – 501-550
  • Silliman University – 501-550
  • Mindanao State University – Iligan Institute of Technology – 551-600
  • Central Luzon State University – 601-650
  • Xavier University – 601-650
  • Adamson University – 651+
  • The Cebu Technological University – 651+
  • Central Mindanao University – 651+
  • Central Philippine University – 651+
  • Lyceum of the Philippines University – 651+

Ayon sa website nito, ang QS University Rankings, na inilalathala taun-taon mula noong 2009, ay kumikilala sa mga nangungunang unibersidad sa Asya.

Labing-isang indicators kabilang ang Academic reputation (30 percent); Employer reputation (20 percent); Faculty/student ratio (10 percent); International research network (10 percent); Citations per paper (10 percent) at papers per faculty (5 percent) ang ginagamit na panukat sa pagtukoy ng listahan.

Dhel Nazario