Aprubado na ng awtoridad ang panawagan ng mga estudyanteng Saint Louis University (SLU) Baguio City na academic break.
Ang nasabing academic break ay ipatutupad ngayong Miyerkules, Nobyembre 3 hanggang Sabado, Nobyembre 6.
Samantala, itutuloy naman ang midterms exam ng unibersidad sa darating na Nob. 8 hanggang 12.
Lubha namang ikinatuwa ng Supreme Student Council ng SLU ang naging desisyon ng awtoridad.
"With the continued support of the collective studentry, together with all the organizations especially the Walang Iwanan Louisian Network that pushed for an Academic Break," pahayag ng student council.
"We are proud to announce that after our meeting with the City Government, university administrators, CHED and representatives from agencies in education, and other student councils from Baguio City, our request for Academic Break HAS BEEN GRANTED," dagdag pa nito.
Matatandaan na noong Oktubre 31, nagsagawa ang mga mag-aaral ng SLU ng candlelight vigil bilang panawagan at ipagluksa ang mga kapwa mag-aaral na sumakabilang-buhay na.
Basahin: Kaso ng suicide sa SLU, umakyat na sa 10; panawagan ng mga estudyante ‘#AcademicBreakNow’