Muli na namang nag-trending ang Kapuso actor na si Paolo Contis, pero hindi dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan niya sa mga nagdaang buwan, kundi dahil kamukha niya ang sculpture na ipinakita sa isang video clip ni J-Hope, isa sa mga miyembro ng sikat na all-male group na BTS.

Makikitang kahawig nga ni Paolo ang malaking 'sleeping sculpture' na 'Mask II' ni Ron Mueck na ibinahagi naman ni J-Hope sa Twitter.

J-Hope at 'The Mask II'/Screengrab mula sa Twitter

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

J-Hope at 'The Mask II'/Screengrab mula sa Twitter

Ayon sa Museum of Fine Arts sa Houston, ang naturang sculpture ay self-portrait mismo ng eskultor, na naglalayong ipakita ang 'subtle play of realities that characterize his work'.

Kaya naman, agad na nakisakay rito si Paolo at ginaya niya ito, na makikita sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 2.

"Trending daw 'to kahapon, kaya chineck ko na rin! May point naman sila!" ayon sa caption.

Paolo Contis at 'The Mask II'/Screengrab mula sa IG

Ang iba pang K-Pop idols na nagpa-picture sa naturang sculpture ay sina Rose ng Blackpink at Cha Eun Woo ng Astro.