Nagkasundo ang Metro Manila mayors na bawiin na ang standardized curfew hours sa National Capital Region (NCR) simula Huwebes, Nobyembre 4, kauna-unahang pagkakataon mula nang magka-pandemya na layong buhayin ang ekonomiya ng bansa.

Sa ilalim ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 21-25 na nilagdaan ng lahat ng 17 alkalde sa rehiyon, ang pagbawi sa curfew hours na unang ipinatupad bilang hakbang laban sa COVID-19 ay sasabayan ng adjusted mall operating hours mula ika-11 ng umaga hanggang ika-11 ng gabi bilang paghahanda sa nalalapit na holiday.

“The lifting of curfew hours in Metro Manila will help spread out influx of people coming to and from malls to further reduce the risk of virus’ transmission,” sabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa isang pahayag.

“The Metro Manila mayors have agreed to lift the curfew hours in the metropolis,”dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunpaman, sakop pa rin ng maaaring ordinansa ng ilang lungsod ang mga menor de edad.

Matapos alisin ang curfew hours, mag-uumpisa naman ang adjusted mall hours sa Nobyembre 15.

Papayagan na rin ang mga midnight bazaar habang ang shopping sales ay ipatutupad lang sa weekends at holidays upang maiwasan ang mabigat na trapiko na aasahan sa pagdumog ng tao sa mga mall.

“Siguro ambag na rin natin ito sa ekonomiya ng ating bansa,” ani Abalos sa isang panayam sa Teleradyo.

Joseph Pedrajas