Hindi maipagkakailang marami pa rin talaga ang mga taong may mabubuting kalooban na nagsiislbing malaking biyaya para sa kanilang kapwa, kakilala man o hindi, nakikita man o hindi nakikita.

Nagpaantig sa puso ng mga netizens ang Facebook post ni Jayvee Badile, isang branch manager sa isang kompanya, matapos niyang ibahagi ang ginawa niyang pagtulong sa isang estrangherong lolo na nakasabayan niya sa pagbili ng gamot sa isang botika.

Larawan mula sa FB/Jayvee Badile

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

May be an image of 3 people, people sitting and text that says 'con.ph Sun SunLife Life'
Larawan mula sa FB/Jayvee Badile

Aniya, noon pa man ay matagal na niyang gustong gawin ang pagbabayad ng bill sa kahit na sinumang estranghero, ngunit inuunahan lamang siya ng hiya at baka ma-misinterpret ito.

"Every time na naggo-grocery ako for my house, gustong-gusto kong bayaran yung bill ng nauna sa akin o ng kasunod ko. I just really want to bless others. PERO NAHIHIYA AKO. Natatakot ako na ma-judge na ang yabang ko naman, o makatapat pa ako ng may kaya or mayaman. PERO GUSToNG-GUSTO KO TALAGA," aniya.

Hanggang sa natupad na nga ang kaniyang nais na maging biyaya sa hindi niya kakilala, nitong unang araw ng Nobyembre.

"Until today, while I am buying the medicines of my parents in Mercury Drug, nakasabay ko si lolo na nakikipag-bargain sa reseta niya, binabawasan niya per item. Huminga ako nang malalim, nag-pray nang mabilis until I approached him, 'Hi Tatay, para sa inyo po ba yang binibili ninyo?' Sabi niya, 'Para sa misis ko, ako, wala akong sakit kahit 70 na ako'", kuwento niya.

"'O sige Tay, gusto ko kayong i-bless, ako na ang magbabayad ng bill ninyo.' Tapos nag-breakdown na lang siya bigla at umiyak nang umiyak. Sa halagang almost ₱1,500 humagulgol si Tatay sa pasasalamat. Di ko rin napigilang umiyak. Hanggang sa nagkuwento na siyang nasa ospital ang asawa niya dahil sa sakit. Hanggang sa magpaalam kami sa isa’t isa, umiiyak si Tatay."

Hindi naman nakuha ni Jayvee ang iba pang mga pagkakakilanlan ng naturang lolo.

Kaya naman, may hamon siya sa mga netizens.

"SUBUKAN NINYO. ANG SARAP SA PAKIRAMDAM. Next time na may opportunity kang tumulong, tumulong ka. Huwag kang mahiya. Huwag ka ring mahiyang mag-post. Imagine a world where everyone helps each other."

Nauna na siyang naging viral noon matapos niyang ipaayos at ipagawa ang lumang bahay ng kaniyang adoptive parents, bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanila.

Larawan mula sa FB/Jayvee Badile

Hindi lamang iyon, noong panahong wala pang pandemya, isinasama niya sila sa pagta-travel niya.