Hinikayat ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na agad na ayusin ang mga hindi pa nababayarang claim ng iba’t ibang ospital.
Giit ni Duque, dapat na agad iproseso ng state-health insurer ang bayad para sa mga ospital na mayroon nang kumpletong dokumento.
“Of course, my position on the matter is accelerate payment on those with sufficient documentation. May legal basis [dapat],” ani Duque sa naganp na Kapihan sa Manila Bay forum nitong Miyerkules, Nob. 3,
Tiniyak naman ni Duque na may sapat na pondo ang PhilHealth para maisaayos ang mga obligasyon nito sa mga ospital.
“Merong pondo ang Philhealth (Philhealth has enough funds). It is sufficiently funded,”sabi ng kalihim.
Gayunman, dinepensahan naman ni Duque ang PhilHealth pagdating sa pagsusuri sa mga hospital claim.
“It is very hard to be paying money from the system, where contributions are hard earned money, without ascertaining that the documents are valid, and went through adjudication process,”sabi niya.
Nitong Martes, Nob. 3, ilang senador ang nanawagan sa PhilHealth na apurahin na ang pagproseso ng bayad sa mga ospital upang sustenido ang operasyon ng mga ito.
Analou de Vera