Inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon na bawiin ang standardized at unified curfew hours sa National Capital Region simula Nobyembre 4.

Ayon sa MMDA Resolution No. 21-25, ang pagbawi sa curfew na ipinatutupad mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng madaling araw ay itinaon sa mall operating hours adjustment upang bigyan ng sapat na oras ang mga mallgoers at mall employees na makauwi. 

“The lifting of curfew hours in Metro Manila will help spread out influx of people coming to and from malls to further reduce the risk of virus’ transmission,” ani Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at overall MMC Chairman Benhur Abalos.

Nakapaloob sa resolusyon na nagkasundo ang lahat ng mall owners na i-adjusteang kanilang oras ng operasyon o operating hours sa kanilang pagbubukas hanggang 11:00 ng gabi sa halip ng karaniwang 10:00 ng gabi para mapaluwag ang trapik sa Metro Manila dahil na rin sa Christmas season.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Ang curfew para sa mga menor de edad o mababa sa edad 18 ay saklaw pa rin ng umiiral na mga ordinansa sa Metro Manila local government units (LGUS), kasama na ang patuloy na pagobserba at pagpapatupad ng COVID-19 protocols at minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face shields at face masks, at pagsunod sa social distancing.

“The Metro Manila mayors have agreed to lift the curfew hours in the metropolis,” sabi ni Atty. Abalos.

"But we will respect the implementation of curfew on minors based on existing ordinances of the respective LGUs," dugtong nito.

Ang MMC ay binubuo ng 17 LGUs sa Metro Manila, ang governing body at policy-making body ng MMDA.

Bella Gamotea