Nais apurahin ngayon ng Commission on Elections ang resolusyon sa petisyon na naglalayong kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ng presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“It will take as long as it takes but of course we want to expedite the resolution of the case,” ani Comelec Spokesperson James Jimenezsa isang panayam sa telebisyon nitong Miyerkules, Nob. 3.

“We will find out,” sagot ng opisyal nang matanong kung mareresolba ang petisyon bago magsimula ang campaign period para sa Halalan 2022.

Gayunpaman, pinunto ni Jimenez na walang time limit sa pagresolba sa kaso dahil kailangan nilang masuri kung totoo nga ba ang hinaing ng mga complainants at nais din nilang marinig ang depensa ng kampo ni Marcos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang nagsumite ang ilang grupo at personalidad nitong Martes, Nobyembre 3 ng isang petisyon sa Comelec na layong kanselahain ang COC ng dating senador sa kadahilanang “false material representation” na nag-ugat pa sa 1995 tax case ni Marcos.

Samantala, inilarawan ni Jimenez na “misleading” ang press release ng kampo ni Marcos kung saan binanggit ang dati niyang pahayag na walang malinaw na kaso upang ma-disqualify ang dating senador sa kanyang kandidatura sa pagkapa-pangulo.

“The PR is misleading. The quote was referring to why Senator Marcos hadn’t yet been disqualified despite the fact of his conviction. The original quote should have been taken in the context of the fact that the Senator ran for VP In 2016. That quote was not intended in any way as a comment on the current petition recently filed,” sabi ni Jimenez sa isang pahayag.

“At the time of interview, there was no filing against the senator, and therefore what I said could not possibly be construed or framed as referring to that subsequent event,” dagdag ni Jimenez.

Leslie Ann Aquino