Dinakma ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) dahil umano sa pangingikil sa mga importer sa Maynila, nitong Miyerkules.

Pansamantalang nakakulong sa NBI sina appraiser Zosimo Bello at examiner Bong Seletaria.

Kaagad na dinakip ang dalawa matapos na tanggapin ang marked money na ₱30,000 mula sa complainant sa Harbor View Restaurant sa Maynila.

Ikinatwiran ng complainant, hinihingan pa rin sila ng dalawa ng buwanang "payola" o lagay upang hindi maabala ang proseso ng kanilang kargamentong agricultural machines kahit lehitimo ang papeles ng mga ito.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nilinaw naman ng BOC, ang dalawang naaresto ay dati nang inireklamo sa kanila ng isa pang importer dahil umano sa pangingikil ng₱300,000 kapalit ng pagpapalabas ng kanilang kargamento.

Paliwanag pa ng BOC, ito ang naging dahilan upang magkasasila ng entrapment operation laban kina Bello at Seletaria.

Itinanggi naman ng dalawa ang alegasyon at sinabing nagpapatulong lamang umano sa kanila ang complainant upang maibaba ang babayarang buwis ng kargamento.

Nahaharap ang mga ito sa kasong robbery, extortion at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.