Ipinasara muna noong Nobyembre 1 ang Shanghai Disneyland sa Beijing, China dahil sa isang kaso ng COVID-19.
Ayon sa report ng kanilang state media, ipinasara ang nasabing pasyalan matapos magpositibo sa COVID ang isang babae na dumalaw sa Disneyland.
Habang wala pang kaukulang abiso, mananatiling sarado ang lugar sa publiko.
Bago lumabas sa Disneyland, kinakailangan munang magpa-COVID-19 test ang mga bisita.
Noong Lunes, Nob. 1, aabot sa 34,000 ang tinest, ayon sa ulat ng kanilang pamahalaan.
Pinananatiling mahigpit ang kanilang awtoridad laban sa virus bilang paghahanda sa Winter Olympics.
Samantala, nakapagtala naman ng bagong 92 kaso ng COVID ang China — pinakamataas na kaso simula noong kalagitnaan ng Setyembre.
Aabot naman sa 6 na milyon ang kasalukuyang naka-lockdown, partikular na sa norteng parte ng China.