Sinabi ng Partida Reporma party, na pinangungunahan ni Senator Panfilo M. Lacson, nitong Martes, Nobyembre 2 na nakakakuha ng suporta ang partido sa Mindanao.

Ito ay ang daan-daang local leaders mula sa Misamis Oriental at Bukidnon na nangakong susuportahan ang 2022 presidential bid ni Lacson at sa ka-tandem nitong si Senate President Vicente "Tito" Sotto III. 

Nagpahayag ng suporta ang mga bagong kaalyado mula sa Cagayan de Oro City at Bukidnon sa pamamagitan ng mass oathtaking rite sa Apple Tree Resort sa Opol, Misamis Oriental kasama si Partido Reporma president at reelectionist Davao del Norte Representative Pantaleon "Bebot" Alvarez noong nakaraang linggo.

Parehas na seremonya ang ginawa sa Balingasag, Misamis Oriental na kung saan nasa 144 leaders at supporters ang nanumpa ng kanilang katapatan sa Partido Reporma. Nagbigay sila ng tulong upang maisaayos ang malawakang aktibidad sa kampanya para sa Lacson-Sotto ticket.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hinahati-hati ni Alvarez ang kanyang oras sa pagitan ng Luzon at Mindanao upang makakuha pa ng mas maraming advocates na mangangampanya para kina Lacson at Sotto.

Kasalukuyang nasa halos 10,000 ang active membership ng Partido Reporma.