Nag-react ang kontrobersyal na showbiz columnist na si Lolit Solis sa mga bashers niya na nagsasabing naunahan siya sa expose nina McCoy De Leon at Elisse Joson hinggil sa pagkakaroon nila ng junakis. Tila 'natulog umano sa pansitan' si Manay Lolit at hindi niya natunugan ito. Matatandaang inamin mismo ng nagkabalikang magkarelasyon na may baby na sila, sa 1st nomination night episode ng PBB: Kumunity Season 10 noong Sabado, Oktubre 30.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/01/mccoy-de-leon-at-elisse-joson-may-baby-na/">https://balita.net.ph/2021/11/01/mccoy-de-leon-at-elisse-joson-may-baby-na/
"Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. Kalokah di bah?" ayon sa caption ng kaniyang Instagram account.
Hindi niya raw maintindihan ang bet ng mga tao.
"Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter. Kaya nga ayoko ko ng take seriously iyon mga comments. Pero meron magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag knowledge din sa iyo na mabasa ang comment nila."
"Totoo nga na don’t waste your time sa mga mahina ang comprehension dahil wala kang matututuhan, doon ka lang makipag- usap sa mataas ang mental level para dagdag-talino pa. Gusto ko batiin sina Elisse Joson at McCoy De Leon, dahil buong tapang nila inamin ang tunay nilang estado."
Sa huli, binati ni Lolit ang dalawa.
"Kinuha nilang ninong ng baby girl nila si Direk Lauren Dyogi dahil gusto nila manahin ng baby ang wisdom ni Direk Lauren Dyogi. Bongga. Iyan dapat ang pipili ng ninong at ninang, iyon may manahin maganda iyon baby n'yo. Congrats again."
Matatandaang ang huling kontrobersyang kinasangkutan ni Manay Lolit ay ang isyu hinggil sa pagbubuntis at miscarriage ni Alex Gonzaga, at ang pag-call out sa kaniya ng mister nitong si Mikee Morada.