Hindi inaasahan ng mga netizens na magkokomento ang singer na si Juan Karlos 'JK' Labajo sa tirada ng kontrobersyal na showbiz columnist at radio program host na si Cristy Fermin hinggil sa paninita nito kay Nadine Lustre, na kesyo masyado umano itong nagpapakita ng katawan sa social media kaya pinayuhan niyang 'magtapi' o magdamit kung ayaw nasisita ng mga netizens.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/30/cristy-kay-nadine-kaugnay-ng-body-shaming-para-hindi-ka-naba-bash-magtapi-ka-di-ba/">https://balita.net.ph/2021/10/30/cristy-kay-nadine-kaugnay-ng-body-shaming-para-hindi-ka-naba-bash-magtapi-ka-di-baa>

Ayon sa isang one liner na komento ni JK sa isang showbiz news site, 'Inggit ka ghorl?'

Si JK Labajo ay unang sumikat bilang contestant sa kauna-unahang 'The Voice Kids' sa ABS-CBN noong 2014, kasabayan nina Darren Espanto at Lyca Gairanod, na siya namang itinanghal na grand winner.

Paul Salas, pag-uukulan ng maraming oras si Jesus ngayong 2025

Pinasikat ni JK ang mga awiting 'Buwan' at 'Demonyo'.

Nobya niya ang beauty queen na si Maureen Wroblewitz.

Inisyu rin niya ang kaniyang kasabayang si Darren Espanto hinggil sa gender identity nito.

Sa kasalukuyan, wala pang tugon si Cristy sa komentong ito ni JK.