Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) nitong Martes ng karagdagang 520 kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Delta variant sa bansa.

Batay sa datos ng DOH, nabatid na mula sa 748 samples na naisailalim nila sa pinakahuling genome sequencing na kanilang isinagawa, 520 o 69.52% ang positibo sa Delta variant.

Dahil dito, umaabot na ngayon sa 5,331 ang kabuuang Delta cases sa Pilipinas.

Nasa 83 naman o 11.10% ang positibo sa Beta variant sanhi upang umabot na sa 3,562 ang total cases nito sa bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasa 64 naman o 8.56% ang positibo sa Alpha variant kaya’t sa ngayon mayroon nang 3,160 ang total cases nito sa Pilipinas.

Anang DOH, ang Delta variant pa rin ang nananatiling ‘most common lineage’ sa bansa sa mga na-sequenced nilang sample na umabot na sa 32.14%, kasunod naman ang Beta variant na may 21.47% habang pangatlo ang Alpha variant na may 18.72%.

Mary Ann Santiago