Patay ang isang Punong Barangay habang nasa kritikal na kalagayan angmisis nito makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Caloocan City.

Dead on the spot si Gerardo Apostol, 56, Barangay Chairman ng Bgy. 143 ng lungsod at residente ng No. 55 Malolos Avenue.

Nakarataynaman sa Manila Central University (MCU) Hospital angkanyang maybahay na si Evelyn R. Apostol, 56, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45.

Sa inisyal na imbestigasyonni PCpl. Anthony C. Wanawan ng Station Investigation Unit (SIU) ng Caloocan Police, bandang alas 6:12 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng Apostol Rice and Egg na matatagpuan sa kahabaan ng Malolos Avenue, Bgy. 143, Caloocan City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naka-upo ang mag-asawa at nagbabantay sa tindahan ng may dumating na dalawang lalaki sakay ng motorsiklong kulay pink.

Bumaba ang dalawang suspek at pinagbabaril sa ulo at katawan ang Punong Barangay kaya niyakap ito ng kanyang asawa na siya naman ang pinaputukan sa likurang bahagi ng katawan.

Tumakas ang mga salarin nang matiyak na patay na ang village chief.

Inaalam na ng mga pulis kung may kinalaman sa pulitika ang pamamaslang kay Apostol.

Orly L. Barcala