Puspusan na ang paghahanda ng National Task Force against COVID-19 para sa tinatarget na 1.5 milyong pagbabakuna kada araw.

Ayon kay Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., nakatuon sila sa petsang November 15 para masimulan ang 1.5 million jabs sa kada araw.

"Kakayanin ng pamahalaan na sa November 10 ay maabot na ang 1 million inoculation at mula doon ay unti-unti maiakyat sa 1.5 makalipas ang limang araw," pahayag ni Galvez.

Kaugnay nito, sinabi ni Galvez na nakipag-usap na sila sa league of cities and municipalities at iba't ibang mga provincial government upang matiyak na maaabot ang pinaplanong daily jab target simula November 15.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Positibo ang vaccine czar na kayang maabot ang naturang dami ng mga dapat mabakunahan lalo na’t sabay – sabay na ang pagbabakuna sa general public, nasa A1 hanggang A4 group ganun din ang inoculation sa mga batang nasa 12 to 17 may comorbidity man o wala.

Beth Camia