Napili ng mga lexicographers sa Oxford English Dictionary (OED) ang 'vax' bilang word of the year.
Ang paggamit ng vax, salitang unang naitala sa English noong 1799 at hango sa Latin word na vacca, ay tumaas pa ng 72 beses kaysa noong nakaraang taon.
Dahil na rin sa pandaigdigang pandemya, madalas nang gamitin ang mga salitang may kaugnayan sa vax, katulad ng double-vaxxed o fully vaxxed simula pa noong nakaraang taon.
Ipinagtanggol naman ni OED senior editor Fiona McPherson ang pagpili nila sa nabanggit na salita at sinabing kapansin-pansin ang epekto ng paggamit nito ngayong taon.
Sa pahayag ng OED, ang pangngalan (noun) ng vax ay nangangahulugan na isang vaccine o vaccination habang ang pandiwa (verb) ay tumutukoy sa pagtuturok ng vaccine o bakuna sa isang tao upang makalikha ng immunity laban sa sakit.
Bukod sa vax, kabilang din sa pinagpilian anglockdown,COVID-19, Black Lives Matter, Work from Home, bushfires at furlough.
PNA