Hindi na mawawala sa tradisyon ng mga Pilipino ang paggunita sa araw ng mga namayapang mahal sa buhay, na nagsisimula sa Oktubre 31 at pormal na nagtatapos sa Nobyembre 2 (bagama't araw-araw naman ay maaaring gawin ito). At kapag sinabing 'Halloween', hindi na mawawala ang pagsusuot ng iba't ibang costumes na maaaring nakakatakot, cartoon o movie character, o kaya ay tunay sikat na personalidad o celebrity.

Noong pre-pandemic, kaliwa't kanang Halloween party, costume parade, at trick or treat ang makikita at madadaluhan, subalit sa isang iglap lamang, nabago na ang paraan ng pagsasagawa nito. Ang iba, kahit nasa loob lamang ng bahay dahil nga may COVID-19 pa, masaya na rin, dahil nariyan naman ang social media upang ibida ito.

Kaya naman, throwback na lang muna ang ginawa ng netizen na si Almira Bordeos, 39, mula sa Laguna, nang ibahagi niya sa Facebook post ang mga litrato niyang pugot ang kaniyang ulo---ito kasi ang naging napili niyang peg sa Halloween costume contest sa kanilang opisina, noong pre-pandemic pa.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

No description available.
Larawan mula sa FB/Almira Bordeos

Aniya, nakakamiss na ang mga costume parties na taon-taong ginagawa sa opisina, lalo na raw, kunwari ay aayaw-ayaw pa, pero pagdating sa aktuwal na contest, kabogera pala!

"Nakakamiss ang costume party sa office. 'Yung tipong sasabihin mo wala kang budget pero pagdating mo, ikaw ang pambato at mananalo. Sayang ang prize money! Sa ngayon throwback muna," aniya.

No description available.
Larawan mula sa FB/Almira Bordeos

No description available.
Larawan mula sa FB/Almira Bordeos

No description available.
Larawan mula sa FB/Almira Bordeos

No description available.
Larawan mula sa FB/Almira Bordeos

Ang kinatatakutang photos niya na 'pugot-ulo' peg ay first place at nag-uwi siya ng tumataginting na ₱1500 bilang cash prize. Aniya, maliban sa red paint, wala na siyang ibang ginastos dito dahil puro recycled materials lamang ang ginamit niya. Naisip niyang pugot na ulo ang gawin niyang peg para maiba naman.