Unang beses na nagtungo sa bansang Saudi Arabia si Miss Universe Philippines Pia Wurtzbach kaya naman nagsuot siya ng tradisyunal na kasuotan ng mga babaeng Muslim doon na abaya at hijab.
Sa kaniyang Instagram post noong Oktubre 28, ipinakita ni Pia ang kaniyang all-black outfit, gayundin ang mga pagkaing kinain niya at mga lugar na pinuntahan nila.
"Sabah alkhayr! (Good morning!) It’s my first time to visit and I’m really happy to be here. My first day in KSA looked like this. Swipe left!" ayon sa kaniyang caption.
Bagama't hindi naman required na magsuot ng abaya ang mga babaeng bumibisita sa KSA lalo na kung hindi naman Muslim, ipinaliwanag pa rin ni Pia kung bakit niya ginawa ito. Ito umano ay pagpapakita niya ng paggalang sa bansa.
"Saudi Arabia. My first time in this beautiful country. Heard you didn't have to wear an abaya anymore (in some public spaces) but I still want to. To be respectable na rin and I actually find it elegant," aniya.
Hindi ito ang unang pagkakataong nagsuot ng abaya at hijab si Pia; ang una ay noong dumalaw siya sa United Arab Emirates (UAE) taong 2016, matapos niyang manalo sa Miss Universe.