Tila nagpalakas ng moral ng militar ang pagkamatay ni Jorge Madlos o mas kilala bilang Ka Oris matapos magpahayag ng optimismo ang kanilang commanding general sa paggapi sa New People’s Army sa susunod na taon.

Jorge Madlos alyas Ka Oris(Larawan ni Keith Bacongco / MANILA BULLETIN)

Si Ka Oris ay kabilang sa mga nangungunang lider at isang maimpluwensyang komander ng mga rebeldeng komunista sa Mindanao. Namatay siya sa isang engkwentro sa hinterlands ng Impasug-ong, Bukidnon noong Oktubre 30, kahit na iginiit ng kanyang asawa na siya ay namatay sa isang ambush.

National

Patawad! VP Sara, humingi ng paumanhin sa pagtulong mahalal si PBBM

Si Ka Oris ang komander ng National Operations Command na nagbababa ng mga direktiba sa lahat ng mga operasyon ng mga rebeldeng komunista sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“We are optimistic that we can comply with the President’s order to end the communist armed conflict by 2022,”sabi ni Andres Lt. Gen. Centino, Philippine Army commanding general.

“We are on track with what the president has mandated us to do. We are capable of doing this. Everything is in place. We have the support of the people, which is the most important. We also have the full support of the administration,” dagdag nito.

Maliban pa sa pagkamatay ni Ka Oris, binanggit din ni Centino ang pagbuwag sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF) central committee, regional at sub-regional committee at mga larangang gerilya.

Ang mga ito, ayon kay Centino, ay nagresulta sa pagbawas ng impluwensya ng mga rebeldeng komunista sa mga komunidad.

Aaron Recuenco