Sa presinto ang uwi ng ang isang lalaki matapos mag-amok sa isang tren sa Tokyo, Japan noong Linggo, Oktubre 31. Ang 24-taong gulang na lalaki ay gumamit ng kutsilyo sa pag-aamok at nagsimula ng sunog sa tren.

Ayon sa report "Kyodo News" at "NHK," mga media outlet sa Japan, di bababa sa 17 ang sugatan at isa ang nasa kritikal ang kondisyon.

Ang 24-taong gulang na lalaki ay gumamit ng kutsilyo sa pag-aamok at nagsimula ng sunog sa tren.

Puno ang tren dahil sa selebrasyon ng Halloween at marami dito ay naka-costume pa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa isang Twitter video, makikita na nagpa-panic ang mga tao sa loob ng tren nang magsimula ang insidente.

https://twitter.com/siz33/status/1454766126756294661?t=y40OzbqWrXUZ9w2Ehlc0_g&s=19

"At first I thought it was something like a Halloween event. But I rushed away as a man carrying a long knife came in. I was very fortunate not to be injured," ani ng isang lalaki na nasa tren sa eksklusibong interview sa NHK.

"He held a knife and started spreading liquid," pahayag ng isang babaeng witness sa nasabing interview.

Dagdag pa niya, "He was committing this act without showing any emotion, just mechanically. I think that brought fear to everyone."

Ayon naman sa embahada ng Pilipinas sa Japan, walang Pilipinong nasaktan sa insidente.

"Sa kabutihang palad walang Filipino ang naiulat na na-injure,” ani Philippine Embassy in Tokyo, Charge d'Affaires Robespiere Bolivar, sa isang interview sa "DZBB."