Hindi na mawawala sa tradisyon ng mga Pilipino ang paggunita sa araw ng mga namayapang mahal sa buhay, na nagsisimula sa Oktubre 31 at pormal na nagtatapos sa Nobyembre 2 (bagama't araw-araw naman ay maaaring gawin ito). At kapag sinabing 'Halloween', hindi na mawawala ang pagsusuot ng iba't ibang costumes na maaaring nakakatakot, cartoon o movie character, o kaya ay tunay sikat na personalidad o celebrity.

Noong pre-pandemic, kaliwa't kanang Halloween party, costume parade, at trick or treat ang makikita at madadaluhan, subalit sa isang iglap lamang, nabago na ang paraan ng pagsasagawa nito. Ang iba, kahit nasa loob lamang ng bahay dahil nga may COVID-19 pa, masaya na rin, dahil nariyan naman ang social media upang ibida ito.

Kagaya na lamang ng pamilya Valencia mula sa Los Baños, Laguna kung saan naging tradisyon na nila ang pagsusuot ng Halloween costume taon-taon. Ayon sa panayam ng Balita Online sa mag-asawang Albert at Patricia Mariz Valencia, nagsimula sila noong 2011 at taon-taon ay sinisikap talaga nilang ipagpatuloy ito, kahit noong 2020 na nagsimula na ang mga lockdowns dahil sa pandemya.

"Nagsimula sa trip-trip lang noong college kami at magboyfriend pa lang kami. We wanted do something fun for Halloween lang. And since natutuwa yung mga friends and family namin, we decided to have it as an annual tradition when we got married and had our first kid. It serves as a stress reliever for us parents, and a special holiday to look forward to for our kids," anila.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

May be an image of 2 people, hair, people standing and outerwear
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

May be an image of 6 people
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

May be an image of 2 people
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

May be an image of 3 people and people standing
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

Sino naman ang nag-iisip ng magiging tema o peg nila?

"For the past couple of years, the theme was always a show that was trending at the time. Kung ano yung naenjoy naming mag-asawa. Then eventually, we went for classics din like Little Red Riding Hood and Addams Family, kung ano na yung magugustuhan ng panganay namin, 'cause she helps us decide na rin," paliwanag nila.

Sino ang bumibili o nananahi ng costumes at magkano ang nagagastos nila para dito?

"Hindi kami bumibili ng costumes haha. We make do of the clothes that we have lang, tinatahi ko lang or dinidikitan ng ribbons or felt paper. Usually around 200 lang nagagastos ko per Halloween, minsan zero kapag meron na akong materials sa house."

Malaking tulong umano ang social media para maipakita nila ang kanilang mga costumes, at maipagpatuloy na rin ang kanilang tradisyon kahit online. Ang mahalaga, maging masaya ang kanilang dalawang anak na sina Brienne, 5 taong gulang, at Lyanna, 1 taong gulang.

"We didn't get to attend face-to-face Halloween parties like we used to. The costumes are now mainly for posting sa social media---for Facebook memories na lang. We make sure na lang that the pictorial sessions are fun for the kids para ma-feel nila yung Halloween 'spirit' kahit paano."

May be an image of 2 people, child and people standing
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

May be an image of 3 people, people sitting, people standing, outerwear and brick wall
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

May be an image of 3 people and people standing
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

Ngayong 2021, ang kanilang Halloween peg ay ang 'Frozen Family'.

No description available.
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

No description available.
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

No description available.
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

No description available.
Larawan mula sa FB/Patricia Mariz Valencia

Kaya naman, may mensahe sila sa mga tao o pamilyang gaya nila na may tradisyon sa pagsusuot ng Halloween costumes taon-taon. Ipagpatuloy lamang daw ang 'good vibes' lalo na sa panahon ngayon.

"To all parents who are suckers for dressing up on Halloween like us, let's continue to bring good vibes to our news feeds one funny or cute idea at a time! It's not much to get by during tough times like this, but you'll never know whose day you'll brighten up with your creativity."