Tinulungan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 52 katao mula sa isang motorbanca na tumaob sa pagitan ng Gato Island at Garrasa Island sa Daantayan, Cebu.

Sa ulat ng PCG, isang babae ang nasawi sa insidente. Tatlong iba pang survivors naman ang sugatan.

Ayon sa mga ulat, umalis ang motorbanca sa Barangay Poblacion sa Daanbantayan patungo sa Carnasa Island. Habang papunta sa Gato Island, napinsala ng maalon na kondisyon ng dagat ang outrigger. Pumasok tuloy ang tubig dagat sa motorbanca dahilan ng pagtaob nito.

Napagalaman din walang clearance ang nasabing motobanca.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Larawan mula PCG

MabiliS na rumesponde ang ibang motorbanca na bumibyahe sa parehong ruta at tinulungan ang 52 pasahero at isang babaeng senior citizen na nasawi sa Maya Port.

Ang joint operatives ng PCG Substation Malapascua at ang PCG Sub-Station Daanbantayan ay tumuloy sa lugar ng insidente habang sila ay nagbigay ng kinakailangang tulong sa mga nakaligtas.

Dinala sa Daanbantayan District Hospital ang mga sugatang survivors habang ang 49 pasaherong iba pa ay dinala naman sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Evacuation Center.

Pinaalalahan ng PCG ang mga boat captain at motorbanca operators na sumunod sa mga polisiya at circular na inilabas ng Coast Guard. Hinikayat din nila ang mga ito na huwag maglakbay kapag masama ang panahon upang maiwasan ang mga katulad na insidente sa hinaharap.

Waylon Galvez