Ibinaba sa Alert Level 2 ang probinsya ng Bulacan mula Nobyembre 1-14.

Ayon sa guidelines ng  Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang paggalaw ng tao ay papayagan maliban sa ilang paghihigpit batay sa edad at mga kasama na maaaring matukoy ng mga lokal na pamahalaan.

Bulacan Provincial Capitol building (Freddie C. Velez / MANILA BULLETIN)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pahihintulutang magbalik operasyon ng hanggang 50 percent venue seating capacity ang ilang establisimiyento kabilang na ang mga tourist attraction, libraries, museums, galleries, karaoke bars theaters, sinehan at iba pa.

Papayagan naman ang dagdag na 10 percent capacity sa mga establisimiyentong may Safety Seal Certifications.

Ang mga indibidwal na ehersisyo sa labas ng tahanan ay pinapayagan na rin para sa lahat ng edad anuman ang comorbidities o vaccination status maliban sa mga matatagpuan sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

Freddie Velez