Ipatutupad na ng ilang kumpanya ng langis ang dagdag-presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) mamayang 4:00 ng hapon ng Nobyembre 1.

Sa anunsyo ng Petron, dadagdagan ng ₱3.10 ang presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng ₱34.10 na dagdag sa bawat 11 kilogram na LPG tank nito.

Bukod pa rito, papatungan din nito ng ₱1.73 ang presyo ng kanilang Auto LPG na karaniwang ginagamit sa mga taxi.

Ang nabanggit na hakbang ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Noong Oktubre 1, pinangunahan ng kumpanya ang pagtaas ng ₱4.00 sa presyo ng LPG at ₱2.24 naman sa Auto LPG . 

Nasundan pa ito noong Oktubre 8 kung saan nagtaas muli ito ng ₱3.40 sa LPG at ₱1.90 naman sa Auto LPG.

Bella Gamotea