Marami ngayon ang nagtatanong kung ano ang naging reaksyon ni Aljur Abrenica matapos lumabas ang 'tell-all interview' ng ex-misis na si Kylie Padilla sa batikan at premyadong news anchor at journalist na si Jessica Soho sa award-winning magazine show nito na 'Kapuso Mo Jessica Soho na umere noong nakaraang Linggo, Oktubre 23 sa GMA Network.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/25/kylie-padilla-hindi-nangaliwa-i-never-had-any-extra-marital-relationships-with-other-men/">https://balita.net.ph/2021/10/25/kylie-padilla-hindi-nangaliwa-i-never-had-any-extra-marital-relationships-with-other-men/

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/27/cristy-naawa-ako-kay-jessica-soho-ang-galing-galing-niyang-host-pero-hindi-niya-napasuka-si-kylie/">https://balita.net.ph/2021/10/27/cristy-naawa-ako-kay-jessica-soho-ang-galing-galing-niyang-host-pero-hindi-niya-napasuka-si-kylie/

Sa panayam ni Jobert Sucaldito sa kaniyang entertainment talk show sa sariling YouTube channel na 'The Bash', pagkatapos umano niyang mapanood ang interview ay marami siyang magagandang alaalang naisip hinggil sa mga araw na pinagsamahan nila bilang mag-asawa, kasama ang kanilang mga anak.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"After kong mapanuod, actually ang ganda nga dahil habang pinapanood ko siya naalala ko yung mga magagandang pinagsamahan namin. Humantong lang talaga sa hindi na kami masaya,” aniya.

Isa pa sa inalala ni Aljur ay noong panahong buntis si Kylie.

“Hindi talaga ako nagtrabaho ng nine months. Since day 1 hindi ako nagtrabaho, araw-araw ko lang siya kasama. Inaalalayan ko. Araw-araw ako nagluluto ng noodles – 'yun ang kine-crave niya eh so binantayan ko talaga.”

“Kahit sa kabila ng lahat ng mga nangyayari ganito ay constant pa din yung communication namin lalo na’t tungkol sa mga bata.

“Ako naiintindihan ko naman yung mga tao dahil sinubaybayan kami kahit ako man pero ano eh, ah nangyari na eh hindi din naman namin ginusto… wala din namang may gusto nito.”

Kaya pakiusap niya, sana raw ay maka-move on na ang lahat, dahil sila mismo ay nagmo-move on na.

“Sana makapag-move on na tayo kasi 'yun ang pinakamakakabuti sa… instead of judging others 'di ba let’s just, ano, remember the good things and see to it na yung pagmamahal mo at appreciation mo sa tao na 'yun, kasi sometimes… tao lang tayo sometimes kasi yung mga comments naapektuhan na yung pamilya eh naapektuhan na ako, pamilya ko na hindi na siya nakakatawa kasi okay na kami eh di ba eh tao lang tayo.”