Nanawagan si Senator Sonny Angara sa publiko na huwag maging kampante sa kabila ng bumababang kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa sa mga nakalipas na araw.

Aniya, dapat pa ring pairalin ang minimum safety protocols upang magtuluy-tuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

“It is encouraging to see a steady decline in the number of people getting infected with COVID-19 in the country. Hopefully this trend will continue and we can open up more sectors of our economy faster,” aniya.

Binanggit ng senador ang naiulat ngDepartment of Health (DOH) nitong Oktubre 27 na positivity rate na 7.6 porsyento batay na rin sa 41,049 na nasuri nitong Oktubre 25.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Sa kabila aniya nito, dapat pa rin maging mapagmatyag ang publiko dahil marami pa rin ang nahahawaan ng bagong COVID-19 variants sa bansa.

Pinayuhan din nito ang publiko na magsuot pa rin ng face mask at pairalin ang social distancing kapag lumalabas ng bahay kahit bakunado na ang mga ito.

“Tayo ay nasa gitna pa din ng pandemiya kaya mag-ingat pa din tayo at magpabakuna na sa mas madaling panahon," apela pa ng senador.

Hannah Torregoza