Sumagot na ang administrasyon ng Saint Louis University, Baguio City sa panawagan ng mga mag-aaral nitong "#AcademicBreak" at "#AcademicBreakSLU."
Sa opisyal na pahayag na inilabas nito sa kanilang Facebook page, sinabi nitong sinisigurado ng kanilang administrasyon at ng faculty na naibibigay nito ang pangangailangan ng mga mag-aaral nang hindi nako-kompromiso ang kalidad ng edukasyon.
Ayon sa SLU, nananatili ang unibersidad sa pagsuporta sa pangangailangan ng mga estudyante hindi lang sa pang-akademikong usapin kundi sa mga aspetong labas dito tulad ng mental na kalusugan, kapakanan, at kaligtasan ng mga ito.
Samantala, naniniwala ang administrasyon na nagdulot lamang ng takot at hindi kinakailangan ingay ang panawagan ng mga estudyante.
Basahin: Kaso ng suicide sa SLU, umakyat na sa 10; panawagan ng mga estudyante ‘#AcademicBreakNow’
"What was otherwise a peaceful request of the student body for academic break has quickly escalated by unverified information pertaining to alleged cases of self-harm," pahayag ng SLU.
"This has caused an unnecessary uproar in an otherwise peaceful request. We are not discounting the reality of such unfortunate circumstances and we deeply value the sanctity of each and every life. As such, caution is imperative in making and sharing unverified information pertaining to cases of this sensitive nature," dagdag pa ng kanilang admin.
Ani pa ng SLU admin, bago pa man ang candlelight protest, nakipag-diskusyon na ang opisyal ng unibersidad sa mga student leaders ukol sa usaping academic break.
"Even prior to the candlelight protest, the SLU Administration has already begun a dialogue with representatives of the SLU KASAMA/SSC in order to thresh out their request for an academic break. In fact, it was agreed upon that a follow-up meeting between the SLU Administration and representatives of SLU KASAMA/SSC be conducted on November 9, 2021," pahayag ng SLU admin.
Siniguro naman ng administrasyon ang pagkakaunawaan ng dalawang partido — estudyante at ng administrasyon — sa nasabing usapin.