Niyanig ng 3.4-magnitude na lindol ang Surigao del Sur nitong Linggo ng tanghali, Oktubre 31, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nangyari ang lindol dakong 1:10 pm, 7 kilometro hilagang kanluran ng Tagbina, Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang "weak" tremor sa Intensity III sa Tagbina, Surigao del Sur at Rosario at San Francisco, Agusan del Sur.

Naramdaman naman ang Intensity II sa Barobo, Surigao del Sur.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Anang Phivolcs, tectonic ang pinag-ugatan ng lindol.

Gayunman, hindi inaasahan ang pinsala at aftershocks sa naturang lindol.

Ellalyn De Vera-Ruiz