Natupok ng apoy ang bahagi ng Jose P. Laurel High School sa Tondo, Maynila nang masunog ito nitong Sabado ng hapon.
Naiulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 5:29 nang maitala ang unang alarma nang sumiklab ang ikatlong palapag ng gusali.
Gayunman, matapos ang 30 minuto ay naapula rin ito.
Walang naiulat na namatay o nasaktan sa insidenteng tumupok ng ₱500,000 halaga ng ari-arian.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente.
Seth Cabanban