Ipinakita sa pinakabagong SWS survey ang pagbaba ng net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, sumasalamin umano ito sa patuloy na pakikibaka ng mga tao dulot ng pandemya, ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo nitong Linggo, Oktubre 31. 

Binanggit ni lawyer Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, kung paano na inalis ng ibang mga bansa ang kanilang "face mask mandate" matapos na matagumpay na makontrol ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Ito ang kanyang sagot sa tanong tungkol sa pagbaba ng net satisfaction ni Duterte na mula 62 na porsyento noong Hunyo ay naging 52 na porsyento nitong Setyembre.

Ipinapakita ng SWS survey results na mayroon pating "very good rating" si Duterte. Ito rin ang pinakamababang rating niya mula noong 45 na porsyentong net rating noong Hunyo 2018. 

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Inilabas ang resulta nitong Biyernes, Oktubre 29.

“Pagod na ang mga tao, halos dalawang taon na parang nandito pa rin tayo," ani Gutierrez sa Sunday radio show ni Robredo.

Sinabi rin ng tagapagsalita na ang ibang bansa ay nalampasan na umano ang tinatawag na new normal at bumalik na rin ang mga tao sa kanilang mga trabaho.

“Tapos dito tayo, ‘di lang naka-mask, naka-face shield ka pa," dagdag pa niya.

“Feeling ko madami nang nabibigatan, madami nang napapagod dito sa paulit-ulit na. Syempre ang hindi natin maiwasan dito ‘yung pangamba pa. Parang iyong iniisip mo pa, ‘tapos na nga ba ito?,’ ‘gaano pa katagal kaya ‘to magtutuloy?’" aniya.

Hindi lang umano ito tungkol sa posibilidad na magkasakit ang inaalala ng mga Pilipino, giit ni Gutierrez. Ito raw ay tungkol sa panganib na mawalan ng trabaho at pinagmumulan ng kabuhayan.