Marahil lingid pa rin sa maraming Pilipino na hindi ang Pinay diva na si Sheryn Regis ang orihinal na kumanta ng “Come On In Out of the Rain.”

Sumikat nga ang rendition ni Sheryn sa kanta sa Pilipinas, kabaliktaran naman ang naging kinahinatnan ng karera ng original singer nito na si Wendy Moten pagpasok ng 2000’s.

Kilalang beteranang mang-aawit at recording artist si Wendy noong pang 1990’s.

Kasama sa mga namayagpag sa mga kanta ni Wendy ang “Come On In Out of the Rain” na nakapasok pa sa Top 10 sa United Kingdom music chart. Umabot rin bilang ika-55 ang nasabing kanta sa US chart.

Human-Interest

WFH employee, nagbigay-pugay sa supportive niyang ina: 'Dahil pala sa kaniya...'

Nag-landing ang kanyang self-titled album noong 1992 bilang ika-42 sa UK chart . Ang kanyang sumunod na mga album na “Time for Change” at “Life’s What You Make it” ay tumabo naman sa bansang Japan.

Sa kabila ng tinamasang tagumpay noon, balik entablado ang wi Wendy matapos mapabilang sa Team Blake sa pinakabagong edisyon ng The Voice sa Amerika.

Kamakailan lang, hinangaan ng mga coaches na sina Kelly Clarkson, Ariana Grande, John Legend at Blake Shelton batikang mang-aawit matapos kantahin nito ang Aretha Franklin classic na “Ain’t No Way” sa Knockout rounds ng kompetisyon.

Pasok na sa live shows si Wendy.