Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Oktubre 31 na posibleng maranasan pa ang epekto ng La Niña hanggang sa unang tatlong buwan ng 2022.

Sa pahayag ni Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Liza Solis ng PAGASA, posibleng maapektuhan ng La Niña phenomenon o ang pagkakaroon ng above-normal rainfall conditions sa malaking bahagi ng bansa.

“This means that it has a secondary impact such as flooding and landslides over vulnerable areas and sectors of the country,” sabi ni Solis sa inilabas nilang monthly climate outlook nitong Oktubre 28.

Idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng La Niña nitong Oktubre 15.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Kadalasan aniya ay mararanasan ang nasabing sitwasyon sa huling tatlong buwan ng taon at sa unang tatlong buwan ng susunod na taon.

Sa rainfall forecast ng PAGASA, asahan ang halos "above normal rainfall” sa buong bansa mula Nobyembre hanggang Disyembre ng taon.

Sa susunod na taon-mula Enero hanggang Marso, posibleng makaranas ng"below-to-near normal rainfall" conditions ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Central Luzon; "generally near-to-above normal rainfall" naman ang inaasahan sa Cagayan Valley, Metro Manila, at Southern Luzon; at"generally above normal rainfall" naman sa Bicol, Visayas, at Mindanao.

Kaugnay nito, ibinabala rin ng PAGASA ang dalawa o tatlo pang bagyong papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Nobyembre at isa o dalawa ring bagyo ang asahan sa Disyembre.

Ellalyn De Vera-Ruiz